Lunes, Hulyo 9, 2012

Ako si... CHUVZ!!!


Yeah!!! Ala singko y medya na!!! Tapos na ang siyam na oras ng pagkukunwari. Tapos na ang siyam na oras ng pamamalastik sa opisina ng aming kleyente. Para sa akin hindi lang ordinaryong araw to... Biyernes! Araw ng pag uwi sa aming bahay! Simula ng dalawang araw na pahinga! Unang gabi ng pagsasaya!

Mabilis akong bumaba sa building ng aking pinapasukan, bili ng yosi, sindi, inum ng c2, kagat ng skyflakes sabay suot ng shades. Yan ang tipikal na gawain, porma at trip bago ako tuloyang umuwi. Mahabang byahe maswerte na kung dalawa't kalahating oras eh nasa bahay na ako pero wala tayong magagawa sa liit ng sahod ko ultimong tig tretrentang laruang kotse eh hirap ako makabili.


Ubos na ang yosi, ubos na ang ice tea, ubos na ang skyflakes at paubos na rin ang liwanag ng araw pero sige  shades padin! Ako... Ako na ang cool! Lets go!!! Natutuwa kong bangit sa sarili. Sabay suot ng tigsisingkwentang headset. Nagpapatugtug ako ng napakalakas na super heavy death metal na kanta ni April Boy ung "Di ko kayang tanggapin!" Habang masayang kumakanta sabay ng aking IDOL eh biglang kumulog at kumidlat. Tinaas ko ang aking suot na aviator shades at sinabing "Oh shit!!! It will rain! I got to hurry!!!" Sa laki ng aking tyan at laki ng aking bag mukha akong bola na tumatalbog sa kahabaan ng Ayala pero okay lang kailangan ko umuwi! 

Pag dating ko sakayan ng bus eh siksik liglig umaapaw na ang taong naghihintay. Wala na rin akong mapwepwestohan kaya kinailangan ko na rin umalis upang maghanap ng lugar na pwede kong paghintayan.

Nagsimula ako maglakad muli patahak sa kalye papuntang LRT Buendia Station dun sigurado na makakasakay na ako. Basang basa na ako sa ulan pero wala akong paki basta wag lang mabasa ang aking laptop at payong. Oo tama ang basa mo may dala akong payong pero hindi ko yun ginagamit may kultura kasi kami sa aming sintang paraalan na "Di bale na ako mabasa wag lang ang payong ko!". Damang dama ang awit sa aking munting mp3 player "Basang basa sa ulan walang masisilungan walang malalapitan." ay may nakita na akong isang lugar na maaaring silungan at abangan ng bus . "Okay time to smoke." Sambit sa aking sarili. "Wow ang bango! Ang sexy." paghanga ko sa babaeng nakatalikod sa akin. Okay din at least dito may sexing babae kahit nabasa ako may nakita naman akong maganda. Nakita ko dahan dahan na nalaglag ang kanyang panyo. Parang pelikula slowmo ang paglaglag ang kanyang panyo pinitik ko muna ang aking yosi sinalo ang nalalaglag na panyo. Huminto at dahan dahang ko na siyang kakalabitin habang nagsasabi sa sarili "This is it! Magpapakilala ako!" 

"Miss panyo mo nalaglag." Nakamodulate pa ang boses ko para macho. Sabay dahan dahan tumingin at ngumiti mala Robin Padilla "Ay! Salamat Koya!" Sagot ng "Putang Ina! Bakla!" iyon ang mga salitang gusto ko isigaw pero di ko nagawa. Ang sexy nya pag nakatalikod mahaba at nakarebond na buhok, nakamini skirt pagharap eh isang bisayang bakla!!!. Ang masama pa neto nakapambabae siyang porma pero... Pero... Hindi man lang nag ahit ng bigote!!! Hindi ko maintindihan bakit kung isa kang cross dresser hindi mo pa sinagad at nag ahit!

"Ano to!?! Napeke ako ng isang baklang kabayo!" yan ang sinasaloob ko.
"Koya salamat ha. Ano po palang name mo?" sabi ng binabaeng kanikanila lang eh akin pinagpapantasyahan.
"Ako si Chuvz..." Sabay walang tingin tingin sumakay ng bus. Exit na mala batman. Kailangan nating magkalayo yan ang nasa isip ko... Mahirap na baka mainlab pa ako sa kanya pag talikod nya ulit. Pag uyam sa sarili.

Ilang minuto pa.
"Manong isang SM Fairview." sabay abot ng bayad ko.
"Sir Malanday po to. Baba nalng po kayo sa Ayala." Sagot ng kondoktor sa sinakyan kong bus.

WHAT THE FUCK!!!
ULIT AKO SA PAGLALAKAD!!!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ako si CHUVZ isang batang galit sa mundo dahil sa samo't saring kamalasan na nararanasan sa halos araw araw na ginawa ng Diyos. Samahan nyo ako sa aking mga pakikipagsapalaran sa paghahanap ng Golden Egg salamat.
-----------------------------------------------------------------

2 komento: