Miyerkules, Agosto 1, 2012

Ako si CHUVZ: Fratman


Halos taon taon na lang ay mayroon napapabalitaan na namamatay sa pagsali sa isang grupo na kung saan pagkatapos ng samu't saring hirap (at kung babae ka at trip ka ng mga opisyales ng kapatiran eh may kahit papano eh meron ding sarap... Sarap kung ang ibig mong sabihin sa sarap eh pagpapasa-pasahan ka ng iba pang opisyales para sa pagsali mo sa kapatiran nila). Oo, siguro kung isa ka ring membro ng fraternity or sorority eh baka sabihin mong walang ganong babuyan ang nangyayari sa inyo, pero wag mong ikaila na meron talagang nangyayaring ganto sa ibang mga grupo.

Ano ba ang fraternity? Ang fraternity ay galing sa salitang latin na frater ibigsabihin brother or kapatid kung gagamitin natin ang ating sariling wika. Fraternity o kapatiran, napakagandang konsepto: aakuin mong kapatid ang isang taong hindi mo kilala. Aalalayan mo ng pagkakaibigan at pagmamahal na gaya sa iyong sariling kapatid. Maganda, pero ano ba ang kapalit? Ano ba talagang dahilan?



Ano ba ang tamang dahilan ng pagsali? Para sa akin, hindi ko alam kung ano ba talaga ang tamang dahilan ng pagsali sa ganon samahan. May mga taong sumali kasi marami daw chicks. Pero brad ang sagwa mo kung yun ang dahilan mo, kasi kung gagamitin mo ang tamang konsepto ng kapatiran hindi mo sila pwedeng syotain at tirahin kasi. GAGO ka ba? Kakantutin mo ba kapatid mo?
May mga tao naman na kaya sumali kasi mas mapapadali daw ang pagpasa nila sa kursong kinuha nila. Sikat ang gantong kapatiran sa mga eskwelahan na nagtuturo ng abogasya at pulisya, pero TANG INA KA!!! Kung ayaw mo pala ng kursong yan bakit mo pipilitin. Di lumipat ka sa gusto mo o sa madaling kurso, Mag-manikurista ka, wala akong pake desisyon mo. Kung yan ang gusto mo, panindigan mo.
May mga tao naman kaya sumali para sa mga trouble eh meron silang resbak pero, TARANTADO KA BA? Kapatid mo, isasabak mo sa basagan ng mukha dahil sa katarantadohan mo? Para naman sa sumali dahil naghahanap ng mga bagong kaibigan or mga taong karamay, KAAWA AWA naman kayo. Wala ba kayong kapatid? magulang? girlfriend? asawa? kaibigan? chismosang kapitbahay? lasingerong tambay? Kasi painumin mo lang yun may karamay ka na.

Niyaya ako ng dalawa sa matalik kung kaibigan na sumali sa isang kapatiran lagpas ng isang dekada na ang nakaraan. Isa yun sa mga pangunahing kapatiran na kilala sa atin bansa. Ang dahilan kung bakit ako sumali nun eh walang kasama sa initiation ang mga kaibigan ko. At ayaw ko na isipin nila na isa akong duwag at takot sa palo at sakit sa katawan. Isang napakababaw na dahilan na kung ako'y minalas malas eh naging kapalit ang buhay ko. Pero bata pa ako nun, hindi ko pa naiisip ang mga ganong bagay. Ang alam ko lang, siga ako. Kaya ko lahat. Ngayon, hindi sa pinagsisisihan ko ang pagsali, pero kung meron akong pagkakataon balikan yung mga oras na yun eh sana sa sintang paaralan na lang sana ako nagpachapter hindi sa community kasi madalas ang mga kasama mo sa ganon eh mga taong mali ang dahilan sa pagsali. 

Hindi sa galit ako sa fraternity or kapatiran. Hindi ko rin gusto na mabuwag ang lahat ng frat sa boung Pilipinas. Ang kinagagalit ko lang ang mga tanong na BAKIT? Bakit kailangan mong doblehin ang sakit na naranasan mo sa mga bago mong mga kapatid? Sumali ka ba sa frat para lang bumawi?

Bakit kailangan may mamatay? Hindi ba ninyo kayang makita na hindi na nya kaya? Bakit ninyo hinahayaan na mababa ang tingin sa mga sis ninyo?

Isa rin akong frat member, isa rin akong kuya. Alam ko maraming grupo ang hindi ginagawa ang mga bagay na pinararating ko at dahil dun maraming salamat. Para sa akin ayaw ko mawala ang ating konsepto ng kapatiran ung kapatiran na walang hanggan halang iwanan. Konsepto na andito lang kami lagi sa likod mo. Pero sana dun lang tayo sa tama.

Hindi ako papayag malumpo ang kapatid ko...
Hindi ako papayag na patayin mo utol ko...
Hindi ko sasaktan ang mga kapatid ko...
Proprotektahan ko kayo...

RIP Marc Andrei Marcos





Ako si CHUVZ... Fratman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento