Martes, Nobyembre 20, 2012

Di ka na minahal... Minura ka pa.

Hindi ko alam kung san o bakit ito nag simula pero feeling ko Grade 1 pa lang ako eh marunong na akong magmura...

Kahit na sa selebrasyon:

"Yeah! TANG INA!!! After 8 years sa College!!! NAKAGRADUATE DIN!!! WOOOHHOOO!!!"

Kahit na sa pagpapayo:

"TANG INA KA kasi!!! Ang bobo mong HAYUP ka kaya ka nya iniwan!!! UNGAS!"

Lalo na sa dalamhati:

"PUTANG INA pre sa lahat ng kukunin! Bakit si Brownie pa!?! TANG INA!!! Sana ikaw na lang..."


Hanggang sa nadala ko na ang akin hilig sa pagmumura sa aking pagchachat, pagproprogram at pagbloblog.


Alam ko naman na mali at masama ang taong pala mura. Kung magiging kasing palamura ko ang magiging anak ko baka mapakain ko siya ng Naga Bhut Jolokia

Napaisip tuloy ako ano ba ang benipisyo ng pagmumura?
  • Kung ikaw ay nasasaktan ng pisikal eh nakakagaan ng sakit na nararamdaman. Ayaw mo maniwala? Edi iclick mo to. 
  • Ayun din sa ibang eksperto ang pagmumura ay isang katangian ng isang magaling na lider. Ikaw ba naman ang sabihan ng lider o boss mo ng "Putang Ina mo! Tulog ka nanaman sa trabaho! Sisisantehin na kitang hayup ka eh!" Tignan natin kung di ka bigla sumipag.
  • Sabi rin nila na ang pagmumura eh tumutulong para magkaisa ang isang gropo. Ayaw mo nanaman bang maniwala? Sige.

    Halimbawa sa isang pila may taong biglang sumingit.

    Nakapila1: Uy manong nakapila po kami dito dun ka na lang sa likod.

    Di pinansin ni Boy Singit.

    Nakapila 2: HOY! PUTANG INA MO MANONG NAKAPILA KAMI DITO WAG KA SUMINGIT.

    Nakapila 3: OO MANONG PANOT! TANG INA KA MAHIYA KA NAMAN.

    Nakapila 4: DUDULO KA BA TANG INA KA!?! O HINDI???

    Nakapila 1: Ayaw parin! TANG INANG TO GULPIHIN NA NATIN!

    All: TARA! KING INA NYAN!!!

    Boy Singit: Op.. Opp... Oppssy... Gangnam style, nakapila pala kayo??? Sorry! Montek pa majumbag ung peslalak ko ng mga toaw dito. Hmmptf...
Pano maiiwasan ang pagmumura?

Kung nasanay ka na sa pag mumura at gusto mo magbago sa tingin ko ang pinakamagandang paraan eh palitan mo ang iyong mura ng:
  • Bit Code
    Halimbawa: Tang ina mo pre ang tanga mo naman sana nagsabi ka bago ka bumili.
    Napalitan na: 010001000011100010001001101110000101011000 pre 10001000100100010010101110101001010 mo sana nagsabika bago ka bumili.
    Kung di ka ba naman napagod at nagsawa eh ewan ko na lang sa paraan na ito tiyak ang pag babago mo.
  • I love you o Mahal Kita.
    Halimbawa: Fuck you pre! Magbago ka na kasi gago ka talaga eh.
    Napalitan na: I love you pre! Magbago ka na kasi Mahal kita talaga eh.
    Diba ang sweet? Wag lang kayo magtitinginan ng eye to eye at maghahalikan kasi wala nang kasing sagwa un.
Basta sa mga tao na ayaw pa tumigil sa pagmumura eh may maliit na pakiusap sa inyo.
  1. Wag murahin ang mga babae kasi ang babae minamahal hindi minumura.
  2. Wag murahin ang iyong mga magulang. Ikaw ba papayag na yung lolo mo or lola mo puta? Tang ina pre... Ang sagwa.
  3. Wag mo mumurahin ang iyong mga anak. Tanga ka ba? Pagsinabihan mo ng putang ina mo ung anak mo kung babae ka ibig sabihin puta ka? Kung lalaki ka naman asawa mo puta? Bakit mo pinatulan eh puta pala ung asawa mo?
Ako po si Ern nagsasabi iwas iwas sa pagmumura...

===========================


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento