Nakakatawa iisipin na napakaraming tao na nagreact ng sinabi
ni Bb. Lucy Lui na ayaw nya mag mukhang Filipino. Marami ang nag sabi na ano
bang masama sa pag mumukhang Filipino? Maging siya man ang tatanongin mo eh
marahil ang sasabihin nya rin ay wala. Pero parang napasama lang dahil marami
kagad ang nagreact sa sinabi nya. Pero pag tinanong mo ung mga nagagalit kung
gusto nila magmukha kang Filipino eh medyo nakangiwing oo ang sagot.
Kaya samahan nyo ako sa pag tuklas kung bakit tayo mismo eh
ayaw magmukhang Filipino.
Nakakatuwa at nakakatuwa na pag may nasabing bagay na parang
hindi gano maganda tungkol sa atin ang ibang lahi eh kung magreact tayo kala mo
magkakaroon na ng world war three pero naisip nyo ba ito?
- Nagalit sa sinabing ayaw magmukhang Filipino pero bakit halos lahat ng gamit mo eh may glutathione?
- Bakit pag pomorma ka eh mukha kang Koreano? (nakacosplay 24/7)
- Bakit ka nakacontacts na blue?
- Bakit ang mga gusto mong local na artista kung hindi half pinoy eh maputi?
- Bekit tamang English ka pag may kausap sa phone? Kahit na kabigan mo lang kausap mo?
- Bakit pinipinot mo lagi ung ilong mong pango?
- Bakit ang tawag mo sa baduy pumorma eh bisaya?
- Mahal mo ang Pilipinas pero bakit sa SG, HK, Korea o Japan ang una mong naiisip pag magbabakasyon ka?
- Bakit hindi ka gumagamit ng bagay na Made in the Philippines?
- Bakit JPop o Kpop pinapakinggan mo kahit wala ka naman naiintindihan?
- Bakit lagi ka naiingit sa kultura ng iba pero ung atin di mo pinagyayaman?
- Pag may sikat na personality sa Ibang bansa kahit ma 1/32th filipino s’ya eh eh aakuin mong Filipino kahit na parang ginagamit nya lang yun dahil may pinupromote siyang show sa Pilipinas. Kilalang kilala mo yung mga ganon pero ung mga nagtatayod ng Sining sa Pilipinas eh hindi mo kilala?
Nakakatawa. Maraming Filipino na ayaw maging Filipino pero
pag may nasabi kahit di naman masama eh kung makapagreact eh ang oa. Sana naman
kung tunay na mahal mo ang bansa mo sasama ka sa pagpapayaman neto hindi lang
sa pang trotroll sa FB or Twitter account ng tao na feeling mo eh umatake sa
ating ethnic group.
Sabagay mababad trip din siguro ako kung magiging hawig ko si pokwang.
Salamat po.
===========================
Special Thanks to Roger Decierdo for proof reading.
Thanks to Rendon Labador Graphikos for custom shirts.
Add me up on Facebook: https://www.facebook.com/ern.fabro
Thanks to Rendon Labador Graphikos for custom shirts.
Add me up on Facebook: https://www.facebook.com/ern.fabro
Follow me on twitter: https://twitter.com/TheRealErnFabro
Like us on Facebook: https://www.facebook.com/MgaBatangGalitSaMundo?fref=ts
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento