Lunes, Oktubre 22, 2012

Mukhang Pilipino.


Nakakatawa iisipin na napakaraming tao na nagreact ng sinabi ni Bb. Lucy Lui na ayaw nya mag mukhang Filipino. Marami ang nag sabi na ano bang masama sa pag mumukhang Filipino? Maging siya man ang tatanongin mo eh marahil ang sasabihin nya rin ay wala. Pero parang napasama lang dahil marami kagad ang nagreact sa sinabi nya. Pero pag tinanong mo ung mga nagagalit kung gusto nila magmukha kang Filipino eh medyo nakangiwing oo ang sagot.

Linggo, Oktubre 14, 2012

True Love.

Ang buhay daw ay isang pakikipagsapalaran para sa paghanap ng mga kasagutan kung bakit ba tayo nandirito, bakit ba may sakit, paghihirap o bakit walang isang litrong yakult?

Ang iba  naman ay nagsasabi na ang buhay nga daw ay isang laro kung saan dapat makita mo ang iyong tunay na ligaya. Larong kung saan dapat makita mo daw ang bagay o tao na bubuo sa iyo. Bagay o taong magpapatibok ng puso mong bato.

Huwebes, Oktubre 11, 2012

I'm Back!!!

Medyo matagal na rin ang huli kong pagsulat. Napakaraming mga nangyari't naganap marami tayong issue na dapat talakayin mula ng huli nating pagsasama-sama sa pahinang ito. Andyan ang pagsuntok ni Barnie kay Mang Saturnino Fabros, Anti-Islam video, Pag pasa at pag labas ng TRO para sa Cyber Crime Prevention Act of 2012, Trillanes vs JPE, China back talks at ang pinakamahalaga balita sa lahat eh ang romansa sagad ni Sen. Chiz at Heart "KFC" Evangelista (Chiz on top daw?).