Medyo matagal na rin ang huli kong pagsulat. Napakaraming mga nangyari't naganap marami tayong issue na dapat talakayin mula ng huli nating pagsasama-sama sa pahinang ito. Andyan ang pagsuntok ni Barnie kay Mang Saturnino Fabros, Anti-Islam video, Pag pasa at pag labas ng TRO para sa Cyber Crime Prevention Act of 2012, Trillanes vs JPE, China back talks at ang pinakamahalaga balita sa lahat eh ang romansa sagad ni Sen. Chiz at Heart "KFC" Evangelista (Chiz on top daw?).
Sa tagal ng ating huling pagsasama eh napaisip ako na magsulat ng tungkol sa isang bagay na halos buong buhay ko na hinanap ang kasagutan sa mga misteryo tulad ng Kisses!
Mga tanong tungkol sa Kisses:
Ano ba ang ingles ng Kisses?
"Tanga ang ingles ng Kisses ay laplapan!?!" Sagot ng tropa kong manyak. Ewan ko ba kung anong tinitira nung taong un nagmamala R18 sa era kong pang PG lamang.
"Bobo! Kisses ingles na un! Tanga ka! Ung sinasabi ko ung nanganganak!?! Ung mabango! Ung laging sinisinghot ng kuya mo!" Sagot ko sa tropa kong baliw.
"Tang ina! Kisses ung pangalan ng syota ni Kuya sa club!?!" Balik uli ng unggoy.
Ewan ko ba kung bakit pa ako nagkaroon ng gantong kaibigan ng mura kong edad.
Sa aking pag iimbestiga ang tama palang pangalan sa ingles ng Kisses ay Aroma Beads.
Nanganganak ba talaga ang Kisses?
Grade schooler ako noon at tingin ko sa lahat ng mga lalaking may alagang kisses eh mga Bading! San ka naman kasi nakakita ng lalaki na panay bulak, alcohol at polbos ang laman ng bag (Shit. Lahat na ata ng lalaki ngayon eh may ganto na sa bag.) Wala pang ibang ginawa kundi ipagyabang ung mga baby kisses nila.
Pero di nagtagal eh nag alaga na rin ako ng kisses.
Ang kisses na inalagaan ko eh galing sa isang babae na malapit sa aking puso kaya buong ingat kong inalagaan para dumami ang kisses namin. Feeling ko kasi baby namin yun gusto ko maging magaling na tatay sa mga naunang mga baby kisses namin, Kinikilig pa ako kada bilang nya sa kisses namin, tuwang tuwa siya kasi parami na sila ng parami. Magaling daw akong tatay ng mga kisses namin at pati ang mga apo namin eh marami naring mga sanggol.
Hindi nya lang alam eh panay bili ko nung mga kisses nun sa labas ng eskwelahan namin. Di ko kasi maparami. Hindi ko alam kung baog ba ung mga nabigay nyang kisses sa akin or may erectile dysfunction sila. Wala narin akong magawa, di ko alam kung san ko sila ipapacheck up. Basta alam ko lang dapat mapasaya at mapa impress ko yung babaeng nagbigay sa kanila sa akin.
Pero sinubukan ko parin ung mga normal na paraan para makapag padami ng kisses. Andyan un ilagay ko daw sa madilim na lalagyanan. Kaya ko sila nilagay sa lalagyanan ng film ng camera. Nauunawaan ko naman eh syempre kung ikaw mag asawang kisses gusto mo walang boboso pag nagsesexy time kayo di ba? Nilalagyan ko din ng bulak ung lalagayan nila. Syempre tang ina kung ikaw ba naman ung magsesexy time gusto mo ba sa matigas? Nilalagyan ko rin sila ng alcohol. Mas masarap kasi magsexy time pag medyo tipsy ka diba. Nilalagayan ko din ng pabango kung minsan para hindi naman nakakahiya dun sa mga kasexy time ng mga kisses ko baka amoy construction worker na sila. Pero ganon padin parang di sila dumadami feeling ko panay sila lalaki eh. Di ko rin alam kung pano sila nanganganak panay ba natural or may cesarean operations din? Buti na lang di nagtatanong si lovely babes kaya oks na oks lang ako.
Minsan nagulat nalang ako umonti na yung kisses ko kala ko naglayas sila or nagsimatayan na. Akala ko napakawalang kwenta ko nang magulang kasi hindi ko alam kung ano na nangyari sa mga baby kisses namin ng PBB Teens ko. Gago lang pala ung utol ko tinitira pala sinisinghot hanggang mawala ung bango.
Pero maraming theorya sa pag papadami ng mga kisses meron ang:
Ruler Technique - hihiwain mo sa gitna un kisses para manganak. Pero nalalabuan ako dun. Tanga ka ba hindi naman nanganak un kaya dumami eh. Dumami sila kasi hinati mo!
Tusok Ballpen / Lapis Technique - tutusokin mo daw ng lapis or ballpen ung kisses para dumami. Pero ano ba ung dulo ng lapis at ballpen? Titi ba un? Kaya sila nabubuntis?
Saan ba gawa ang Kisses?
Ito ang tanong ko hanggang ngayon. Halos tatlong dekada na akong nabubuhay sa mundo pero hindi ko parin maintindihan kung ano ba talaga ang kisses na un. Kung isa ba siyang organismo kaya sila dumadami, kung nanganganak man sila o isa ba silang uri ng plastic na nagkakaroon ng chemical reaction pag nilagyan ng pabango, polbos o alcohol.
Minsan napaisip na lang ako kung totoo ba talaga na dumadami sila o kung gawang tao ba sila? Kung iisipin mo di naman sila nabubuhay pero nabubuntis? Gawa ba sila ng isang alien civilization? Isa ba silang highly advance organism? Ito po ba ay bagong simula ng isang ebulosyon? Ito po ba ang pagtuklas sa bagong kaisipan?
Marami pong conspiracy theory tungkol sa pagdami at pagbubuntis ng mga kisses. Andyan po na ito raw ay isang marketing strategy meron din po na nagsasabi na darating ang panahon na masasakop tayo ng di makontrol na pagdami ng mga kisses.
Nais ko pong malaman nyo na hindi ko po ginawa itong blog na to para manakot pero para buksan ang isip nyo at masabing. "Tang inang yan? Basta minsan suminghot ako nyan." Hehehe.
----------------------
Ern Fabro would like to thank Rendon Labador Graphikos for my MMA Inspired Shirts.
Follow me at twitter @TheRealErnFabro.
Listen to our Podcast: Mga Batang Galit Sa Mundo.
Thanks for the photo http://www.fireflylites.com/aromasampler.html
nanahimik sila, napansin mo pa? kaw rin try mo magparame!
TumugonBurahinAdik alam mo namang kwentong bumtiyaya lang yung mga nabubuntis na kisses e hehe. Siguro pampabango lang talaga sila. Parang moth balls sa drawer - pampasabaw ng ipis, kisses naman - para hindi mo maamoy ang mga medyas at brip sa drawer.
TumugonBurahin* Pareng Jay was here
Angel - Hehehe. Hindi ako gremlins kaya di ako dumadami.
TumugonBurahinJay - So special moth balls sila?