Ang iba naman ay nagsasabi na ang buhay nga daw ay isang laro kung saan dapat makita mo ang iyong tunay na ligaya. Larong kung saan dapat makita mo daw ang bagay o tao na bubuo sa iyo. Bagay o taong magpapatibok ng puso mong bato.
Chuvz: Pre tignan mo ung PBB teens sa harap lugi ung babae. Swerte ng lalaki.
Badz: Pre siguro malaki ung etits nung lalaki!
Badz: Pre siguro malaki ung etits nung lalaki!
Pareng Jay: Pre yan ang tinatawag na true love!
Ito ang malimit na eksena pag nakakakita ako ng mga kasintahang lugi ang babae. Madalas yung babae eh kamukha ng batang kapatid na babae ni Alodia tapos ung lalaki kung di kamukha ni Empoy eh kamukha ni Tado. Napakaswerte kung iyong iisipin. Kung minsan eh parang mamatay na nga ako sa inggit lalo na kung kasing ganda at sexy ni Jinri Park yung babae tapos ung kahalikang lalaki eh parang malnourished na Long Mejia.

Dahil sa aking sobrang pagkainggit eh sinubukan ko maghanap ng paliwanag ang gantong kababalaghan.
- Mayaman si lalaki - dito mo makikita ang kasabihang may pera sa basura. Pero tingin ko parang mas maganda baguhin ito para mas maging swak sa ating pinaguusapan. May pera ang mukhang basura. Kahit siguro gano ka kapanget kung may pera ka maraming lalapit sayong chikababes diba?
- Sex at Sex Appeal - sabi nila ang babae daw eh parang plansta na hinugot mo na, mainit pa. Sa totoo lang hindi ko alam ang ibig sabihin neto. Sa katulad kong virgin pa eh halos wala akong maintindihan sa mga ganyang bagay kaya pass na muna ako dito.
- Animal Lover - mga mahilig sa mukhang animal! O di kaya mahilig sa exotic na pet. Kaya siguro mukha talagang iguana ung pinipili nila.
- Sawa na sa gwapo / ayaw ng kaagaw - minsan kahit gano kasarap ang ulam eh minsan naghahanap ka parin ng tuyo or gusto mo lang kumain ng bagoong o kundi naman eh para walang maghingi dun ka sa walang ibang may gusto. Ganto siguro ang sitwasyon nila para maiba lang.
- Gayuma / Mind Manipulation - minsan sa sobrang parang bulag na bulag ung mga chikas sa bf o asawa nilang mas maayos pa yung mukha ng aswang, eh naiisip ko na baka naman master sila ng dark arts o benenta na nila ang kaluluwa nila sa demonyo para lang magkaroon ng magandang gf o asawa. O baka naman eh alien nga sila at kaya nila magsagawa ng pagmamanipula ng utak ng kanilang biktima.
- Mabait nga lang talaga at True love- meron naman ung talagang mabait lang kaya nagawang mahalin. Ung natabunan ng kagandahang asal nila ung di nila kagandahang mukha. Para sa mga ganto! Idol!!! Mabuhay po kayo,
- May Diyos talaga - minsan mapapaisip mo eh napagpala lang talaga sila at may Diyos nga at may milagro. Siguro sa dati nilang buhay eh naging napakabait nila kaya talagang pinagpala sila. O baka sa sobrang pagdarasal nila eh pinagbigyan na sila para wag na silang masyadong makulit.
Kung ano man ang dahilan kung bakit sila swinerte ng ganon eh sana ako rin. Sana ako rin eh bibiyayaan ng chikas na magmamahal sa aking sa sobra at tapat. Pero sa totoo lang okay na ako sa babaeng may magandang ugali, matalino, malaki boobs, maganda, maputi, kulot, mayaman at sexy. Okay narin sa akin yung mga 36 year old na girlfriend pero kung wala talaga eh kahit na 2 na 18 years old na lang. Di naman ako choosy eh.
------------------------------------
------------------------------------
Special thanks to Vic for the idea.
Like Rendon Labador Graphikos designer behind my custom shirts.
Add me up in Facebook. https://www.facebook.com/ern.fabro
Like Rendon Labador Graphikos designer behind my custom shirts.
Add me up in Facebook. https://www.facebook.com/ern.fabro
Follow me on Twitter: @TheRealErnFabro
Like our Podcast Fan Page. https://www.facebook.com/MgaBatangGalitSaMundo?ref=ts&fref=ts
Like our Podcast Fan Page. https://www.facebook.com/MgaBatangGalitSaMundo?ref=ts&fref=ts
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento