Lunes, Pebrero 25, 2013

Parang Birthday Lang


Image c/o Taopo.org


“Lilipas din yan...”

Ito ang madalas na dayalog ng ibang tao pag binabati tuwing birthday nila. At ito rin marahil ang sinasabi para mapakalma ang mga motorista at pasaherong aburidong naiipit sa trapik tuwing a-beinte singko ng Pebrero.

Para sa mga nagbebertdey, ito ang pinakamainam na palusot para makaiwas sa mga nagnungulit na nagpapalibre. Ngunit sa kabila ng mga sumisigaw ng “Blowout! Blowout!” may dahilan para di mo gustuhing lumipas agad ang bertdey mo. Ang araw na ito ay panahon upang balikan ang mga naranasan mo sa nakaraang taon, sariwain ang mga masasaya at malulungkot alaala. At ito rin ang tamang oras upang pagnilayan ang mga aral na natutunan sa nagdaang taon, siyempre pa, panahon rin ito upang mangarap kasama ang mga mahal sa buhay at mga kaibigan (oo, pati ang mga ungas na nagpapalibre) para sa isa na namang magandang taon.

Marahil nagtataka ka kung ano ang kuneksyon ng bertdey sa EDSA. At kung binabasa mo ito habang naka-stuck sa trapik sa EDSA, malamang ay naaaburido ka na dahil di pa rin tapos ang programa dun sa may People Power Monument sa tapat ng White Plains.

Ngunit habang hinihintay mo na umusad ang Honda Civic na nasa harapan, maganda siguro na pagnilayan ang nakaraang taon. Ano nga ba ang nangyari sa Pinas sa loob ng labindalawang bywan? At ano ang iyong natutunan sa mga pangyayaring ito? Oo, kahit di ka man direktang sangkot sa mga tagumpay at trahedya ng bansa sa nagdaang taon, tiyak na marami kang natutunan. At kasama mong natuto ang milyun-milyong Pinoy na tumutok sa mga kaganapan.

At sa pag-usad ng mga sasakyan, nawa’y maisip mo kung pano maibabahagi sa iba ang iyong natutunan nang sila ay umusad rin.  At bago mo palipasin ang araw na ito, mangarap ka kasama nila ng isang magandang bukas para sa bayang iyong kinatatayuan. 

Linggo, Pebrero 24, 2013

Ang Mga Tanong Sa Interbyu

Pwede mong hanapin sa Google kung paano tumae nang naka-indian-sit. Kung isa kang aplikante, pwede mo ding hanapin kung ano-ano ang mga madalas na itanong sa isang interbyu. Huwag mong isipin na hindi naghahanap sa internet ng mga tanong para sa interbyu ang mga tauhan ng kompanya, tao din sila, tinatamad din.

Ano-ano ang mga tanong na ito? Heto ang ilang napirata ko mula sa http://money.usnews.com:

  • Tell me about yourself.
  • Why do you want to work for us?
  • Why did you leave your last job?
  • Tell me about your strengths.

Kung naging aplikante ka at natanggap at kasalukuyang nagpe-pesbuk sa iyong upuan, marahil ay natanong ka na din ng mga tanong na nasa listahan. Masyadong madali. Hindi ba't mas mainam kung kakaiba ang mga tanong nila? Yung tipong mapapaisip talaga ang mga aplikante.

  • Sa palagay mo, bakit may ones, tens, at decimal values sa halaga ng iwi-withdraw mo sa atm kahit pa hindi ito naglalabas ng barya?
  • Bakit may butas sa gitna ang doughnut? Bakit ito tinatawag na doughnut kahit walang mani ang ibang doughnut? At bakit angmahal niya kahit parang pandesal lang siya na binutas sa gitna at nilagyan ng toppings?
  • Kung nakakain ka ng prutas na kinagatan ng paniki, magiging si Batman ka ba? Ipaliwanag.
  • Bakit pogi ako, at panget ka? Ipaliwanag sa hindi bababa ng sampung pangungusap.

Bakit Hindi Boboto si Pareng Jay

Eleksyon na naman. Madami-dami na naman ang pipila para suportahan ang iniidolo nila. O kaya naman ay para maghanap ng mga bumibili ng boto. O kaya naman ay pipila lang para makakita ng magagandang babae.

Marahil ay mas mainam na huwag nalang bumoto. Dahil ayon sa istatistika ay isa lang sa ilang milyon ang pagkakataong patas sa bilangan ang dalawang kandidatong may pinakamataas na boto. Dahil hindi taon-taon ang eleksiyon, hindi malayong hindi mangyayari ang ganung eksena kahit umabot pa tayo ng year 4000.

Sabihin nalang natin na sa akin ang isang botong iyon. Pwede sigurong hindi na ako bumoto kailanman. Nakakatamad kasi.

Biyernes, Pebrero 22, 2013

Wanted

Sa mga nanganga musta kamusta na ang Batang Galit sa Mundo... Maraming nagbago. Ito ako ngayon isang dambuhalang tambay. Naghahanap ng trabaho para Hanep Buhay! ( Political Endorsement brought to you by friends of Mrs. Cynthia Villar.) SHIT!!! Ang saya diba!