Pwede mong hanapin sa Google kung paano tumae nang naka-indian-sit. Kung isa kang aplikante, pwede mo ding hanapin kung ano-ano ang mga madalas na itanong sa isang interbyu. Huwag mong isipin na hindi naghahanap sa internet ng mga tanong para sa interbyu ang mga tauhan ng kompanya, tao din sila, tinatamad din.
Ano-ano ang mga tanong na ito? Heto ang ilang napirata ko mula sa http://money.usnews.com:
- Tell me about yourself.
- Why do you want to work for us?
- Why did you leave your last job?
- Tell me about your strengths.
Kung naging aplikante ka at natanggap at kasalukuyang nagpe-pesbuk sa iyong upuan, marahil ay natanong ka na din ng mga tanong na nasa listahan. Masyadong madali. Hindi ba't mas mainam kung kakaiba ang mga tanong nila? Yung tipong mapapaisip talaga ang mga aplikante.
- Sa palagay mo, bakit may ones, tens, at decimal values sa halaga ng iwi-withdraw mo sa atm kahit pa hindi ito naglalabas ng barya?
- Bakit may butas sa gitna ang doughnut? Bakit ito tinatawag na doughnut kahit walang mani ang ibang doughnut? At bakit angmahal niya kahit parang pandesal lang siya na binutas sa gitna at nilagyan ng toppings?
- Kung nakakain ka ng prutas na kinagatan ng paniki, magiging si Batman ka ba? Ipaliwanag.
- Bakit pogi ako, at panget ka? Ipaliwanag sa hindi bababa ng sampung pangungusap.
Buhay pa pala toh
TumugonBurahin3 na kaming contributor.
TumugonBurahin