Biyernes, Pebrero 22, 2013

Wanted

Sa mga nanganga musta kamusta na ang Batang Galit sa Mundo... Maraming nagbago. Ito ako ngayon isang dambuhalang tambay. Naghahanap ng trabaho para Hanep Buhay! ( Political Endorsement brought to you by friends of Mrs. Cynthia Villar.) SHIT!!! Ang saya diba!

Sa pagpasok ng a uno ( This political endorsement is brought to you by United Opposition ) ng Pebrero ng taon na ito ay ang simula ng aking pagiging isang ganap na tambay. Yung tipo na walang pera para sa pang yosi ( Anak ng Sin Tax Bill F!U!) Pero okay lang di naman ako galit, kasi ginusto ko to kung nagresign ako para makapagsimulang muli. Yung tipo na gusto mo ung pagpasok mo sa susunod mong trabaho yung tamang nakangiti ka ung parang ang sarap sarap pumasok sa trabaho mo at parang di ka napapagod.

Yung walang halong sales talk* ung mga kasama mo. Yung tipong walang trabaho lang naibibigay yung nararapat. Yung kumpanya na hiling nila eh ang pag unlad di lang ng kanilang kumpanya kundi ang pag unlad din sa mga taong hinuhubog nila para maging isang mabuti at produktibong mangagawa. Yung umaamin na may pagkukulang sila eh pilit ibibigay dahil pinararamdam nila na importante kayo sa kanila.

Kaya payo ko sa tulad ko na naghahanap ng bagong mapapasukan ngayon. Maghanap ng kumpanya na tutulong sa inyo sa pag asensyo.Yung kumpanya na may kongkretong plano sa inyo. Yung may mga taong alam mo na magugustohan mo. Yung may mga tao na gagalangin mo. At please wag ka na pumasok kung ganto ang mag iinterview sayo.




===========================
*sales talk - ayon sa Ern tambay dictionary eh mga magagandang salita o pangako na hindi naman ibibigay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento