Biyernes, Hunyo 18, 2021

TT = Tatay Tibs!

Kamusta kayo?

Sino nakaisip na nagiging ganto ung Mundo?

Puta, sino kaya nakaisip na magandang idea mag lagay ng paniki sa munggo? 

Isipin mo spelunkers kayo noh.

Ano ung spelunkers? Magkwekweba un tanga.

So, magkwekweba kayo no tapos pag tingin mo sa taas napasigaw ka ng YUMMY!

Or naisip mo king ina mo burger ka sa akin mamaya. 

Tapos sasabihin ng kasama mo mukhang yummy nga! APIR!

Tapos ung isa sasabihin sagot ko na yung beer!

Kulit no? Pero di mangyayari sa Pinoy yung ganyan, kakain ng paniki.

Pag inoffer mo sa Pinoy yan sasabin hanggang dagang canal lang ako pre.

Ako di ako mahilig sa mga exotic isang exotic lang nakain ko ex ko pa.

Ngayon nakita ko naman sa News may bago nanaman sakit galing China.

Bird flu naman daw na tumawid na papuntang tao.

Kaya kayo mga girls wag kayo basta subo ng subo ng bird baka magka flu din kayo.

May kilala ako babae kakasubo ng bird yun tuwing umaga nagsusuka lumaki tyan ngayon dalawa na sila.

Iniisip ko bakit tumagal gumawa ng gamot sa COVID?

Eh si Ozzy Osbourne nung kinagat yung paniki di naman nagkasakit.

Di kaya dugo nya talaga gamot dun?

Eh di tinablan nung kinagat ung ulo ng paniki eh.

Pero may mga magandang bagay naman nadulot ung pandemyang to sa atin kahit papano.

Mga silver lining.

Isipin nyo mas mahabang oras sa pamilya para sa mga naka work from home.

May mga nawalan ng trabaho pero yumaman sa Negosyo. Ahem Philhealth.

Tsaka mga bumalik sa mga reliyon nila.

Sabagay lalapit ka talaga sa dyos mo kung feeling mo malapit ka na mamatay.

Umunti din ung mga “Faith” Healers!

Umunti mga mapapanood mo sa tv/youtube nang mga tao na nagpapagaling ng karamdaman.

Iniisip ko dapat may mga tao na nag organisa na pagsamasamahin ung mga natitira pa na “Faith Healers” panguntra sa pandemya.

Isip mo noh, pagkanakuha na nila ung mga faith healers noh may magsasabi:

“Inipon ko kaya para maging tagapagligtas ng sanlibutan tatawagin ko kayong!!! HEALING RANGERS!!!”

Tapos tutunog: (in tune of power rangers)

GO GO HEALING RANGERS!!! GO GO HEALING RANGER! Mighty morphing HEALING RANGERS!

Tapos sisigawan sila!

Pastor 1!

Priest 2!

Elder 3!

Guru 4!

Imam 5!

KAMI ANG HEALING RANGERS!

Putcha GG! Bawas ligtas points.

Isipin mo no pupuntahan nila ung may sakit tapos gaganto. (extend kamay parang pray over)

Sasabihin nung may sakit ano po to pray over?

Sasabihin nung Healing Ranger “HINDI!!! Wag ka lalapit social distancing!”

Tapos saboy nang kung ano sa may sakit!

Sabihin nung may sakit ano to Holy Water?

Sabihin naman nung Healing Ranger “Hindi!!! Holy Alcohol yan! Kills 99.9 percent of germs and evil spirits.”

Wala na ubos na langit points ko pag ako ay nadeads.

Hay gulo nga talaga ng Mundo ngayon.

Mga bagay na di mo pwede gawin dati eh taghirap ngaun.

(Like) Mamasyal!

Magmall!

Magspakol!

Mag Beach!

Mang Bitch!

Lahat restricted laging may bantay.

Edi dati kahit sa basketball eh di ako mabantayan!

Puta lakas ko kaya.

Pag nasacourt ako lagi may bastos pag ginawa ko na ung benitez three!

Ngayon sobrang boring pinopostehan ko asawa ko.

Kunyari nababanyo sya.

Binabantayan ko!

Nay Berba! Di ka makakalusot sa akin!

Pagnagtatapon ng basura umiistep back sabay sigaw KOBE!!!

KOBE!!! KOBE!! KOBE!!!

Hirap eh noh ung idol mo bigla nlng nadeads.

Sa dami nung problema nung 2020 sinama pa nila si Kobe.

Nang nabasa ko ung news na yun puta napadasal ako.

Sabi ko “Lord bakit si Kobe pa? Di nalang kung sinong bangko! Or kahit si Puchulia nlng or si Kuzma!”

Lintek dami kong talo dahil sa kanila!

AH EH! Yung lang!

Salamat!

Tatay BOTI sa gulo ng ating mundo sana napangiti ko man lang kayo.


Lunes, Pebrero 25, 2013

Parang Birthday Lang


Image c/o Taopo.org


“Lilipas din yan...”

Ito ang madalas na dayalog ng ibang tao pag binabati tuwing birthday nila. At ito rin marahil ang sinasabi para mapakalma ang mga motorista at pasaherong aburidong naiipit sa trapik tuwing a-beinte singko ng Pebrero.

Para sa mga nagbebertdey, ito ang pinakamainam na palusot para makaiwas sa mga nagnungulit na nagpapalibre. Ngunit sa kabila ng mga sumisigaw ng “Blowout! Blowout!” may dahilan para di mo gustuhing lumipas agad ang bertdey mo. Ang araw na ito ay panahon upang balikan ang mga naranasan mo sa nakaraang taon, sariwain ang mga masasaya at malulungkot alaala. At ito rin ang tamang oras upang pagnilayan ang mga aral na natutunan sa nagdaang taon, siyempre pa, panahon rin ito upang mangarap kasama ang mga mahal sa buhay at mga kaibigan (oo, pati ang mga ungas na nagpapalibre) para sa isa na namang magandang taon.

Marahil nagtataka ka kung ano ang kuneksyon ng bertdey sa EDSA. At kung binabasa mo ito habang naka-stuck sa trapik sa EDSA, malamang ay naaaburido ka na dahil di pa rin tapos ang programa dun sa may People Power Monument sa tapat ng White Plains.

Ngunit habang hinihintay mo na umusad ang Honda Civic na nasa harapan, maganda siguro na pagnilayan ang nakaraang taon. Ano nga ba ang nangyari sa Pinas sa loob ng labindalawang bywan? At ano ang iyong natutunan sa mga pangyayaring ito? Oo, kahit di ka man direktang sangkot sa mga tagumpay at trahedya ng bansa sa nagdaang taon, tiyak na marami kang natutunan. At kasama mong natuto ang milyun-milyong Pinoy na tumutok sa mga kaganapan.

At sa pag-usad ng mga sasakyan, nawa’y maisip mo kung pano maibabahagi sa iba ang iyong natutunan nang sila ay umusad rin.  At bago mo palipasin ang araw na ito, mangarap ka kasama nila ng isang magandang bukas para sa bayang iyong kinatatayuan. 

Linggo, Pebrero 24, 2013

Ang Mga Tanong Sa Interbyu

Pwede mong hanapin sa Google kung paano tumae nang naka-indian-sit. Kung isa kang aplikante, pwede mo ding hanapin kung ano-ano ang mga madalas na itanong sa isang interbyu. Huwag mong isipin na hindi naghahanap sa internet ng mga tanong para sa interbyu ang mga tauhan ng kompanya, tao din sila, tinatamad din.

Ano-ano ang mga tanong na ito? Heto ang ilang napirata ko mula sa http://money.usnews.com:

  • Tell me about yourself.
  • Why do you want to work for us?
  • Why did you leave your last job?
  • Tell me about your strengths.

Kung naging aplikante ka at natanggap at kasalukuyang nagpe-pesbuk sa iyong upuan, marahil ay natanong ka na din ng mga tanong na nasa listahan. Masyadong madali. Hindi ba't mas mainam kung kakaiba ang mga tanong nila? Yung tipong mapapaisip talaga ang mga aplikante.

  • Sa palagay mo, bakit may ones, tens, at decimal values sa halaga ng iwi-withdraw mo sa atm kahit pa hindi ito naglalabas ng barya?
  • Bakit may butas sa gitna ang doughnut? Bakit ito tinatawag na doughnut kahit walang mani ang ibang doughnut? At bakit angmahal niya kahit parang pandesal lang siya na binutas sa gitna at nilagyan ng toppings?
  • Kung nakakain ka ng prutas na kinagatan ng paniki, magiging si Batman ka ba? Ipaliwanag.
  • Bakit pogi ako, at panget ka? Ipaliwanag sa hindi bababa ng sampung pangungusap.

Bakit Hindi Boboto si Pareng Jay

Eleksyon na naman. Madami-dami na naman ang pipila para suportahan ang iniidolo nila. O kaya naman ay para maghanap ng mga bumibili ng boto. O kaya naman ay pipila lang para makakita ng magagandang babae.

Marahil ay mas mainam na huwag nalang bumoto. Dahil ayon sa istatistika ay isa lang sa ilang milyon ang pagkakataong patas sa bilangan ang dalawang kandidatong may pinakamataas na boto. Dahil hindi taon-taon ang eleksiyon, hindi malayong hindi mangyayari ang ganung eksena kahit umabot pa tayo ng year 4000.

Sabihin nalang natin na sa akin ang isang botong iyon. Pwede sigurong hindi na ako bumoto kailanman. Nakakatamad kasi.

Biyernes, Pebrero 22, 2013

Wanted

Sa mga nanganga musta kamusta na ang Batang Galit sa Mundo... Maraming nagbago. Ito ako ngayon isang dambuhalang tambay. Naghahanap ng trabaho para Hanep Buhay! ( Political Endorsement brought to you by friends of Mrs. Cynthia Villar.) SHIT!!! Ang saya diba!

Miyerkules, Nobyembre 28, 2012

Bye bye na ba?

Anygma: KATAHIMIKAN... KATAHIMIKAN!!! ISANG MINUTO PARA KAY ERN FABRO MAG INGAY OH.


Martes, Nobyembre 20, 2012

Di ka na minahal... Minura ka pa.

Hindi ko alam kung san o bakit ito nag simula pero feeling ko Grade 1 pa lang ako eh marunong na akong magmura...

Kahit na sa selebrasyon:

"Yeah! TANG INA!!! After 8 years sa College!!! NAKAGRADUATE DIN!!! WOOOHHOOO!!!"

Kahit na sa pagpapayo:

"TANG INA KA kasi!!! Ang bobo mong HAYUP ka kaya ka nya iniwan!!! UNGAS!"

Lalo na sa dalamhati:

"PUTANG INA pre sa lahat ng kukunin! Bakit si Brownie pa!?! TANG INA!!! Sana ikaw na lang..."