BABALA: Ang post na ito ay obserbasyon lamang at walang gustong patamaang kaibigan o mambabasa. Ito ay para lamang sa pagmumulat ng mga mata sa isyung tinatalakay. Salamat po.
===================================================================
"Naalala mo ba nang unang beses nyong sabihing mahal kita sa isa't isa? Naalala mo ba ng unang beses na maglapat ang labi nyo sa isa't isa? Ngayon nasan na?" Yan ang madalas na gusto ko itanong sa mga kaibigan ko na gumagawa ng mali sa kanilang kabiyak o kasintahan. Dun sa mga taong nakikipagrelasyon pa sa mga taong may karelasyong iba. Dun sa mga taong hindi daw kaya ibigay ng isa ang mga bagay na kailangan nila. Sa aking pag ikot ikot at pagtanong eh marami na rin akong nakuhang kwento at sagot tungkol sa isyung ito, halika samahan nyo ako sa pagnanahap ng sagot sa pangaagaw at panloloko.
Ito daw ang mga dahilan bakit sumasama sa iba ang mga taong may karelasyon asawa at pamilya na.
- Masama ang ugali. - Kung ang isang babae ang tatanongin bakit siya sumama sa iba at ito ang sagot parang may mali ata. Di ba dapat kung ang problema mo sa asawa o sa kasintahan mo eh ito eh sana mag usap muna kayo. Sa magkasintahan madalas talagang dahilan ito ng pag-aaway pero sana kinilala mo muna talaga siya at mag usap muna kayo baka naman hindi ka lang nayaya kumain o kung sa lalaki nabungangaan ka lang ng unti eh
sumama ka na sa iba kasi matapang ka may nagkakakagusto pa kasi sayong iba. Para ka namang tanga kung naisip mo lang na masama siya kasi may kalandian ka na palang iba. Parang naghanap ka lang ng masisisi dahil sa kalandian mo. Kung tingin mo eh hindi mo na talaga kaya edi iwan mo muna siya tapos tsaka ka maghanap ng iba hindi ung dahil may nakita ka ng iba bigla ka na lang sasama.
- Nanakit - Naniniwala ako na ang babae ay hindi sinasaktan. Tama saktan ka isang beses iwan mo na kagad kasi malamang mauulit un. Maging kasalanan mo man kaya ka nya nasaktan pisikal hindi parin dahilan un para saktan ka kasi babae ka dapat ka mahalin. Pero bilang dahilan ito ng biglang pagsama sa iba parang hindi din tama. Parang kung yun nga yung totoong dahilan mo para sumama sa iba sana iniwan mo na lang muna siya, pinagpahinga mo muna ang iyong sarili bago ka naghanap ng iba. Dahil baka naman inaakala mo na mahal mo na yung bagong dumating dahil naiintindihan ka nya at nagpapakita siya ng kagandahang loob. Kilalanin mo muna ang iyong sarili tapos tsaka ka maghanap ng bago.
- Usaping pinansyal - Kung ang dahilan mo sa pagsama sa iba eh ganto parang unti na lang puta ka na. Bakit yun ang nasabi ko? Puta bigyan mo ng pera sasama sa iyo. Ikaw kasi may makukuha kang pera sasama ka sa iba. Kung ito ang dahilan mo para magpaahas tama lang na iwan mo yung karelasyon mo kawawa lang siya sayo.
- Hindi nabibigay ang gusto - Ito ang isa sa pinakamababaw na dahilan ng para sumama sa iba. Hindi man maibigay ng iyong karelasyon ang iyong gusto maging materyal, pisikal, spiritwal, emosyonal lalo na sekswal pwede nyo naman pag usapan iyon diba? At para san na ang sumpa nyo na sa hirap at ginhawa o yung mahal kita kahit ano ka pa? Nakalimutan mo na kasi meron ka ng iba?
Ang mga ito ay galing lamang sa aking karanasan at obserbasyon lamang. Walang taong gustong saktan. Walang taong gustong pakinggan. Oo nagawa ko na manloko at maloko. At hindi ko ninanais na maranasan ng sino man ang sakit ng panloloko at maloko ng taong mahal mo. Gusto ko lang sabihin isipin mo kung bakit mo siya dating minahal para lalo kayo tumagal. At kung kayo ay may problema magusap muna, wag sa iba kagad sumama.
Ako po si CHUVZ: Galit sa AHAS!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento