===================================================================
BABALA: Ang post na ito ay obserbasyon lamang at walang gustong patamaang kaibigan o mambabasa. Ito ay para lamang sa pagmumulat ng mga mata sa isyung tinatalakay. Salamat po.
===================================================================
"Naalala mo ba nang unang beses nyong sabihing mahal kita sa isa't isa? Naalala mo ba ng unang beses na maglapat ang labi nyo sa isa't isa? Ngayon nasan na?" Yan ang madalas na gusto ko itanong sa mga kaibigan ko na gumagawa ng mali sa kanilang kabiyak o kasintahan. Dun sa mga taong nakikipagrelasyon pa sa mga taong may karelasyong iba. Dun sa mga taong hindi daw kaya ibigay ng isa ang mga bagay na kailangan nila. Sa aking pag ikot ikot at pagtanong eh marami na rin akong nakuhang kwento at sagot tungkol sa isyung ito, halika samahan nyo ako sa pagnanahap ng sagot sa pangaagaw at panloloko.
Martes, Agosto 14, 2012
Lunes, Agosto 13, 2012
Si Chuvz at ang resbak ng "Mga Batang Galit sa Mundo"
Minsan sa buhay ng isang superhero, kailangan mo ng mga kasangga. Kailangan mo na mga makakasama. Hindi ba kayo nagtataka bakit si Batman may Robin, Si Superman may Super Friends at si Darna may Ding!
Ako ma'y merong mala super hero na abilidad para magreklamo sa mga nakikitang mali sa mundo, kailangan ko parin ng katuwang. Kailangan ko ng "Mga Batang Galit sa Mundo!"
Samahan nyo kami sa aming mga kamalasyan at masayang usapan tungkol sa mga reklamong walang patutungohan! Gusto nyo sumama? Gusto nyo tumawa? Makinig sa "Mga Batang Galit sa Mundo" kaya please ilike mo na to:
https://www.facebook.com/MgaBatangGalitSaMundo
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mga Batang Galit sa Mundo Podcast
By Ern, Badz and Jay
You can also follow their works at
http://batanggalitsamundo.blogspot.com/
http://jaygamay.blogspot.com/
Huwebes, Agosto 9, 2012
CHUVZ: Anti-Epal!!!
Halos araw araw mo silang nakikita at nakakasalamuha. Halos araw araw na naninira ng iyong araw, mula sa iyong pagkabata hanggang sa iyong pagtanda. Samahan mo ako sa pag diskubre ng mga nilalang na tinatawag na mga EPAL.
Sabado, Agosto 4, 2012
The Art of Deceiving!!!
Pano ba manligaw? Madalas ko marinig yan sa mga kabataan na hindi ata nanunuod ng PBB Teens. Pero oo nga pano nga ba?
Madalas pag nag tanong ka kung ano ba ang tamang pang liligaw eh may sasagot sayo ng:
1. Dapat gentleman ka.
2. Dapat magustohan ka ng nanay, tatay, kuya, ate, lola, tita, lolo, tiyo, aso, kapitbahay, ex, bestfriend at higit sa lahat mga kaFB nya.
3. Dapat lagi ka may pang suhol sa mga kapatid lalo na sa mga kuya.
4. Dapat lagi kang may morning message, morning tweet morning post sa wall tapos meron din dapat sa afternoon at sa evening.
Biyernes, Agosto 3, 2012
Ako si ChUVZ: Eow poh!
"Wow! May nagtxt number lang. Sana ung hot na office mate ko." Yan ang unang reaksyon ko ng nakita kong may bagong mensahe akong nakuha mula sa hindi kilalang numero sa aking cellphone.
What the hell!!! Ano to? Virus ng android phone? Tang ina hindi ako Cryptographer!!! Yan ang reaction ko ng unang beses ko makita ang mensaheng un. Sigurado naman ako na hindi akin un kaya wala akong ginawa binura ko lng ang text at lumabas muna para magyosi.
Miyerkules, Agosto 1, 2012
Ako si CHUVZ: Fratman
Halos taon taon na
lang ay mayroon napapabalitaan na namamatay sa pagsali sa isang grupo na kung
saan pagkatapos ng samu't saring hirap (at kung babae ka at trip ka ng mga
opisyales ng kapatiran eh may kahit papano eh meron ding sarap... Sarap kung
ang ibig mong sabihin sa sarap eh pagpapasa-pasahan ka ng iba pang opisyales
para sa pagsali mo sa kapatiran nila). Oo, siguro kung isa ka ring membro ng
fraternity or sorority eh baka sabihin mong walang ganong babuyan ang
nangyayari sa inyo, pero wag mong ikaila na meron talagang nangyayaring ganto
sa ibang mga grupo.
Ano ba ang fraternity? Ang fraternity ay galing sa salitang latin na frater ibigsabihin brother or kapatid kung gagamitin natin ang ating sariling wika. Fraternity o kapatiran, napakagandang konsepto: aakuin mong kapatid ang isang taong hindi mo kilala. Aalalayan mo ng pagkakaibigan at pagmamahal na gaya sa iyong sariling kapatid. Maganda, pero ano ba ang kapalit? Ano ba talagang dahilan?
Ano ba ang fraternity? Ang fraternity ay galing sa salitang latin na frater ibigsabihin brother or kapatid kung gagamitin natin ang ating sariling wika. Fraternity o kapatiran, napakagandang konsepto: aakuin mong kapatid ang isang taong hindi mo kilala. Aalalayan mo ng pagkakaibigan at pagmamahal na gaya sa iyong sariling kapatid. Maganda, pero ano ba ang kapalit? Ano ba talagang dahilan?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)