Huwebes, Agosto 9, 2012

CHUVZ: Anti-Epal!!!

Halos araw araw mo silang nakikita at nakakasalamuha. Halos araw araw na naninira ng iyong araw, mula sa iyong pagkabata hanggang sa iyong pagtanda. Samahan mo ako sa pag diskubre ng mga nilalang na tinatawag na mga EPAL.


Sa aking halos 27 na taong pamumuhay sa ating mundo ay parang nakabisado ko na ang lahat ng klase ng mga nilalang na tinatawag na epal at sa tingin ko eh marami na rin akong karanasan sa mga nilalang na to at kung paano sila nakakapekto sa ating pang araw araw na pamumuhay.
  • Bully-liit Epal: Ito ang pinaka una sa kanilang ebulosyonaryong paglaki. Sila ung mga epal na kasama natin lumaki or kasama ng iyong mga anak o pamangkin sa skwela o sa labas ng inyong bahay. Sila ang mga nilalang na nagpapanggap na mga batang ubod ng kulit at madalas na nambubully o nangmamaton sa atin o sa ating mga mahal sa buhay mula sa paunang saling-paaralan hanggang sa pagtatapos elementarya. Sila ung mahilig manghingi ng baon, manghingi ng papel at kung anu-ano pang bagay na kung hindi mo pinagbigyan eh siguradong may kutos ka o kung di naman eh gagawa ng isang bagay na kabulastugan at ikaw ang ituturong mastermind pagnahuli sila.
     
  • Rockstar Epal: Mula sa pagpapanggap na batang makulit eh magkakaroon ng malalakas na pangangatawan, magandang mukha, at ubod sa galing sa ano mang larangan na napili nila. Nagkakaroon sila ng napakalas na kapangyarihan na tinatawag na karisma. Dahil sa ganda at galing nila eh kaya na nila bilugin ang ulo ng mga tao na sila ay laging tama at lagi silang sikat. Sila yung mga nilalang na mahirap kalabanin kasi pag may sinabi ka na mali tungkol sa kanila eh magmumukha kang inggeterong tanga. 
  • Bossy Epal: Ito naman yung mga nilalang na utos ng utos sa opisina na daig pa ang amo mo. Sila yung parehas lang kayo ng sweldo pero kung umasta eh akala mo siya ang may ari ng pinagtatrabahuhan mo. Ito yung mga tao na dahil lang sa mas matagal na sila sa iyong trabaho eh akala na nila alam na ang lahat. Mga tao na aariin ang mga idea mo pag nakita nilang tama. Ito yung mga sobrang sipsip at sobrang feeling close sa mga matataas na pwesto sa inyong opisina. Sila rin yung mga numero unong chismoso't chismosa sa iyong pinagtatrabahuhan. Mag ingat ka pag nagalit sila baka masesante ka.
  • Digital Epal: Ito ang pinakamahirap makilala na uri ng Epal. Sila yung mga nagtatago sa likod ng cellphone at keyboard. Sila yung mga taong mahilig mang bwisit sa mga taong gumagamit ng internet kasi hindi mo naman sila makikilala. Sila yung mga uri na nag mamarka sa mundo akala mo kung sinong ubod ng talino pero nagcocomment sila ng ganto:

    "Yum yum yum adobo ulam! Sa mga nasalanta kayo ay wawa! Burf* lols!!!"
    "Kung may RH Bill sino katulong mo maglimas ng baha sa bahay mo? No to RH Bill!!!"
    "Buti naman at nagkamatayan yang mga tao dyan sa Visayas para naman umonti ang mga baduy sa Pilipinas".
  • Politikong Epal: Ito ang pinakamalakas at maimpluwensyang uring epal. Sila ang uri na gahaman sa pera't kapangyarihan. Sila ang pinakamalakas na magpapansin dahil sa kanilang mga makinarya. Sila yung tipo para mapansin eh magpapabakbak ng kalsada sa umpisa ng pasokan ng eskwela at papasimualan pasimentohan yun sa simula ng mga pagbagyo. Tapos ipagkakalat nila na dahil sa kanila gumanda ang kalsada nyo, pero nakalimutan ata pinagawa nya yun sa dulo ng kanyang termino. Sila ung uri na dapat may mukha lagi sa mga kawad at poste na kuryente at may mensahe na "Happy Fiesta Baranggay Pwerta!" Sila yung akala mo eh utang na loob mo ang lahat ng ginawa nila sa inyong pamayanan. Nakalimutan ata nila ang gamit nilang pera sa inyo eh pera nyo rin mismo kaya please sa kanila wag ka magthathank you lalo na pagbinigyan ka nila neto:

Ako po si CHUVZ: Anti Epal.

1 komento:

  1. Sa kabuohan isa silang "EPAL" =)

    Pwede rin silang;

    * Crocodile epal- Isang "animal" nakung tawaging satin ay "BUHAYA"
    * Artist epal-kayang mag pakitang tao sa harap ng camera at publiko
    * Christmas epal-kahit d pa pasko umaapaw ang regalo
    =)))
    hahahaha LIKE!

    TumugonBurahin