"Wow! May nagtxt number lang. Sana ung hot na office mate ko." Yan ang unang reaksyon ko ng nakita kong may bagong mensahe akong nakuha mula sa hindi kilalang numero sa aking cellphone.
What the hell!!! Ano to? Virus ng android phone? Tang ina hindi ako Cryptographer!!! Yan ang reaction ko ng unang beses ko makita ang mensaheng un. Sigurado naman ako na hindi akin un kaya wala akong ginawa binura ko lng ang text at lumabas muna para magyosi.
"Okay talaga ung bagong love song na gawa ni KPOP noh?" aniya ng isang batang hindi ko maintindihan ang porma. Para syang cross breed ng metal, hiphop at goth pero ang color theme nya pink at violet.
"Pano mo nalaman na love song yun? Nag aral ka na ba ng Korean?" tanong naman ng kasama nyang cross breed naman ng Mexicano, NBA player at punk.
"Hindi. Pero tignan mo pre kung di love song yan di sana parang limping park yan. Panay noise. Ung sigawan lang." sagot ng unang hybrid.
"Sabagay tara practice na tau ng dance kasama ng crew natin. Oh andito na pala sila girlie babes." sabi ni hybrid two.
"Putang ina nyo naman eh sabi na mag prapractice tau eh. Tang ina ni ma'am tinanong sa akin kung bakit pumunta si Magellan sa Pilipinas malay ko ba dun eh patay na yun. Penge nga ng yosi tang ina nyo bad trip ako ha kaya wag kayo malapit lapit sa akin pag sisipain ko kayo sa ngala ngala lalo kana jepot manyak ka pa naman lagi mo akong pinagpapantsyahan lagi ka humahawak sa may binti ko pag nagiinuman pagtapos ng practice ng crew isusumbong na kita sa syota kong si tonek. Buti na lang tanga un hindi nya alam pineperahan ko lang sya. Tara na nga let's go!" sabi ng muse ng mga hybrid. Tanong nyo kung hybrid din sya oo pormang Mexicana na may halong Alodia na may bungangang palengkera.
Nakakatawang isipin ang mga sinabi ni Rizal na ang kabataan ang pagasa ng Bayan. Kung iisipin kung ganto ng ganto may pagasa pa kaya? Kung ako si Rizal at nahulaan ko na ganto manyayari di na ako babalik sa Pilipinas mambababae na lang ako sa ibang bansa.
Sino ba talaga may kasalanan bakit parang patanga ng patanga ang mga ordinaryong kabataang Pilipino. Kasalanan ba nila o kasalanan natin? Kasalanan ba ng mahirap na bansa o ng masang na pilit tinatanggap ang mga basurang pinapakain sa kanila?
Saan ka nakakita na habang isang batang lalaki pinasasayaw ng malaswa sa tv eh yung buong audience eh tuwang tuwa. San ka nakakita ng istasyon ng radio na basta may narinig ka lang na tumatawa at joke na bastos eh dapat matawa ka. San ka nakakita ng kahit simpleng nakakatawang palabas eh dapat gawing tagalog? Para saan para maintindihan natin? Bakit ayaw nila tayo matuto mag ingles? O masyado nila tayong tinatanga. Kaya pati kabataan eh di sinasadyang isiping okay maging tanga.
Simple lang naman ang gusto ko sabihin. Sana pag sinabi na masa eh hindi para sa tanga. Sama-sama lang sana nating pagyamanin ang ating mga isip baka sakaling wala nang bumati ng EOWPOH!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento