Sabado, Agosto 4, 2012

The Art of Deceiving!!!

Pano ba manligaw? Madalas ko marinig yan sa mga kabataan na hindi ata nanunuod ng PBB Teens. Pero oo nga pano nga ba?

Madalas pag nag tanong ka kung ano ba ang tamang pang liligaw eh may sasagot sayo ng:

1. Dapat gentleman ka. 
2. Dapat magustohan ka ng nanay, tatay, kuya, ate, lola, tita, lolo, tiyo, aso, kapitbahay, ex, bestfriend at higit sa lahat mga kaFB nya.
3. Dapat lagi ka may pang suhol sa mga kapatid lalo na sa mga kuya.
4. Dapat lagi kang may morning message, morning tweet morning post sa wall tapos meron din dapat sa afternoon at sa evening.



Pero sigurado ka ba? Sigurado ka bang pag ganyan eh maiimpress mo sya? Parang mas okay kung meron kang ganto:

1. Mukha ni Dingdong
2. Katawan ni Derek.
3  Mga kotse ni Willie.
4. Pera ni Manny.
5. Sense of humor ni Empoy.

Pero kung ako tatanongin mo pano manligaw? Pano magpaimpress sa isang babae ang sagot ko eh... 
HINDI KO ALAM!!! Iba iba ang trip ng mga babae ngayon minsan hindi na nga normal eh. May mga pumapatol sa may asawa. May mga sex na lang ang habol nila. May mga babae na lang na pera ang mahalaga.

Kaya kung may plano ka manligaw ito lang ang masasabi ko sayo magpakatotoo ka na at magdasal na sana magustohan ka niya nang hindi nanililigaw. Kasi ang pag liligaw ay isang panloloko. Ipapakita mo ang mga bagay na hindi naman talaga ikaw. Kung plano mo manligaw eh sa dulo mawawala rin kayo kung makikita nya na hindi ka naman talaga ganon sa pinakikita mo.

Mga babae naman wag kayo magpapaligaw niloloko lang nila kayo kaya nga to tinawag na PAN LILIGAW!


Ako po si CHUVZ and this is the Art of Deceiving!
Note Unang post ko na walang mura? What the FUCK marunong pala ako nun!

4 (na) komento:

  1. parang ang bitter mo naman...

    try mo na lang to:

    http://www.dataentryjobs.us/79844.html

    Thanks! =)

    TumugonBurahin
  2. Pero kung ako tatanongin mo pano manligaw? Pano magpaimpress sa isang babae ang sagot ko eh...
    "MAS LALONGHINDI KO ALAM"!!! Iba iba ang trip ng mga LALAKI ngayon minsan hindi na nga normal eh.HAHA like=)

    -Darating din ung babae para sau at d mo na kelangan maging ganito
    1. Mukha ni Dingdong
    2. Katawan ni Derek.
    3 Mga kotse ni Willie.
    4. Pera ni Manny.
    5. Sense of humor ni Empoy

    kasi may taong nakatakda kahit d natin hanapin at kusang dararating at tatanggapin kung anu meron ka . owRight ^^

    TumugonBurahin
  3. tanong mo kay rhea kung pano ko siya niligawan haha!

    TumugonBurahin
  4. parang in favor naman sayo yung number 3. haha

    3. Dapat lagi ka may pang suhol sa mga kapatid lalo na sa mga kuya.

    TumugonBurahin